Ang Dapat Ninyong Malaman Tungkol sa Inyong Plano sa Pagreretiro
Ang plano sa pag-iipon para sa pagreretiro ng inyong employer ay isang mahalagang bahagi ng inyong seguridad sa pananalapi sa hinaharap. Mahalagang maunawaan kung paano gumagana ang inyong plano at kung anong mga benepisyo ang matatanggap ninyo. Tulad ng pagsubaybay ninyo sa pera na inilagay ninyo sa isang bangko o iba pang institusyong pinansyal, ito ay para sa inyong pinakamahusay na interes na subaybayan ang inyong mga benepisyo sa pagreretiro. Tinutulungan kayo ng buklet na ito na maunawaan ang inyong plano at ipinapaliwanag kung anong impormasyon ang dapat ninyong suriin nang pana-panahon at kung saan pupunta para sa tulong sa mga tanong.