Nagkaproblema sa produkto o serbisyong pampananalapi_ – consumerfinance.gov
Alamin ang proseso ng paghahain ng reklamo ng CFPB, at kung paano magsumite ng reklamo sa CFPB. Ang mga reklamo ng mga consumer at ang tugon ng mga kumpanya ay nagbibigay sa CFPB ng kaalaman tungkol sa mga uri ng hamon na nararanasan ng mga consumer sa mga produktong pampinansyal at serbisyo at kung paano tumutugon ang mga kumpanya sa mga alalahanin ng mga consumer. Sinusuportahan ng mga reklamo ang gawain ng CFPB na pangasiwaan ang mga kumpanya, ipatupad ang mga pederal na batas sa pananalapi ng consumer, magmungkahi ng mga panuntunan, makita at masuri ang mga umuusbong na isyu, at bumuo ng mga tool na makakatulong sa pagbibigay kapangyarihan sa mga consumer na gumawa ng matatalinong desisyon sa pananalapi.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proseso sa paghahain ng reklamo ng CFPB, bisitahin ang http://consumerfinance.gov/complaint
Ang Consumer Financial Protection Bureau (CFPB), ay isang ahensya ng pamahalaan ng U.S. na tumitiyak na patas ang pakikitungo sa iyo ng mga bangko, nagpapahiram, at iba pang kumpanya sa pananalapi. Alamin kung paano ka matutulungan ng CFPB sa https://www.consumerfinance.gov/about-us/